PDA

View Full Version : Ang Gamo Gamo sa Buhay ni Rizal



simon
November 30th, 2005, 04:08 PM
guys tulong naman po...... help nyo naman ako, kasi need ko yun story ng gamu-gamo at kung ano yun naging bahagi nya ke rizal... thanks baka alam nyo pa post naman...

TheRem
November 30th, 2005, 06:03 PM
http://www.joserizal.ph/ge07.html
http://www.ncca.gov.ph/culture&arts/perspectives/konsistensi.htm

simon
November 30th, 2005, 06:18 PM
thank you so much sir,, grabe galing mo, hindi ko makita ke google yan... bat nakita mo? hehehe... salamat!

TheRem
November 30th, 2005, 06:25 PM
katabi ko kase si Mr Google dito. heheee.

lavander
November 30th, 2005, 09:52 PM
naaalala ko yan ah... kinuwento sa kanya ng nanay nya ata yan story yung may batang gamo gamo na gustong gusto lumapit sa ilaw...

simon
November 30th, 2005, 09:56 PM
sir therem hindi pa pala yun ang tama.. kasi dapat pala illustration... i mean, ano yun naging papel ng gamo-gamo sa buhay ni rizal or ano yun ibig ipahiwatig sa kwento...

TheRem
November 30th, 2005, 10:08 PM
Sa bahaging ito ng kaniyang buhay, nakaukol ang buong sigasig ni Rizal tungo sa iisang layunin—ang luwalhati ng Inang-Bayan. Tulad ng isang maningas na kandila, inubos niya ang hininga’t alab ng haraya ukol sa mga saliksik at gawaing magtatanghal sa henyong Filipino at magpapalaya sa Inang-Bayan mula sa pambubusabos ng fraile’t kolonyalismong Espanyol. Masisinag sa kaniyang mga akda ang konsistent na kalidad ng intelektuwalidad na ibinuhos niya upang mapaglingkuran ang kapakanan ng Inang-Bayan hanggang kamatayan.

Mapapantayan lamang ito ng rubdob at silakbo alang-alang sa kalayaan sa buhay at pagtula ni Andres Bonifacio. Siya ang tunay na gamugamo sa pabula ng ina ni Rizal. Siya ang walang-sindak na mandirigma at makata, nakahandang sumugod sa ningas ng lampara, kung kailangan upang matubos ang Inang-Bayan mula sa di-makatarungang pananakop ng mga Espanyol. Wala tayong dokumento hanggang ngayon na makapaghihimaton kung kailan at kung paano sinaklot ng naturang rubdob at silakbo ang katauhan ni Bonifacio. Para siyang bulalakaw ng apoy sa ating kasaysayan—isang maikling lagablab sa papawirin ng ating kamalayan—na biglang lumitaw at biglang naglaho ngunit patuloy na nagpapatibok ng kagitingan sa sinumang Anak ng Bayan at ng di-matingkalang sindak sa lahat ng kaaway ng kalayaan.

lavander
November 30th, 2005, 10:18 PM
sir therem hindi pa pala yun ang tama.. kasi dapat pala illustration... i mean, ano yun naging papel ng gamo-gamo sa buhay ni rizal or ano yun ibig ipahiwatig sa kwento...

ang alam ko yan kwento na yan ang Nagmulat sa mata ni Rizal nung bata pa sya upang maintindihan nya ang pagmamahal nya sa kanyang bayan at kung gano ito kaimportante...

lickster
December 1st, 2005, 01:04 AM
siguro ang kelangan niyang sagot eh bakit kinwento ng ina ni Rizal sa kanya yun...ano gustong ipaalam sa kanya ng ina niya....kaso nakalimutan ko na rin eh..hehe....i'll try to read some books..

Cassidy
December 1st, 2005, 02:21 AM
Basta ang moral ng istory, ang gamo gamo mahilig maglaro ng apoy... Me pinsan yan si Alibangbang taga Cubao... tanong nyo na lang ke Romeo dun siya dumeretso after ng EB pero 2am na raw siya nakauwi.

lavander
December 1st, 2005, 09:29 AM
nakwento ng teacher namin yan eh nakalimutan ko na exact details why naikwento ng nanay nya yan... Mahilig ata maglaro ng apoy si Rizal nung bata eh...

Romeo
December 1st, 2005, 09:34 AM
Basta ang moral ng istory, ang gamo gamo mahilig maglaro ng apoy... Me pinsan yan si Alibangbang taga Cubao... tanong nyo na lang ke Romeo dun siya dumeretso after ng EB pero 2am na raw siya nakauwi.
OT: aba! anong ako? wala akong alam dyan sa cubao... hindi ko area yang QC... hanggang pasig lang ako... dun sa mga nagbibigay ng mga wishes :D

logoMANNYger
December 1st, 2005, 09:38 AM
Mahilig ata maglaro ng apoy si Rizal nung bata eh...
Kya pla nabasa ko, mahilig daw magsunog ng kilay yang si Rizal...


...ang pangit nya cguro nung bata!!